ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Patuloy ang ginagawang pag iikot ng Department of Tourism Region 1 at ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office dito sa lalawigan ng Pangasinan para sa pagsasagawa ng assessment at validation ng mga potensyal adventure at major base tourism sites.
Nag ikot ang dalawang ahensya sa pangunguna ng ilang kinatawan sa lungsod ng Alaminos at bayan ng Sual na bahagi ng kanilang hakbang upang madagdagan at maparami pa ang tourism activities sa kabila ng patuloy na nararanasang pandemya.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng Local Government ng Alaminos City at ng Sual sa pamamagitan naman ng kanilang tourism officers.
Binisita naman nila sa mga lugar na nabanggit ang ilan sa mga tourism sites upang makita kung ano pa ang maaaring gawing paglinang sa mga ito.
Samantala, inaasahan naman ng siyudad at bayan ang muling pagdagsa ng ibang turista mula sa iba’t ibang lugar gayon lumuwag na ang quarantine restrictions at sa papalapit na summer season | ifmnews
Facebook Comments