Department of Transportation, nakaalerto na rin sa paggunita ng Undas

Manila, Philippines – Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang lahat ng tanggapan ng ahensiya at mga attached agencies na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga motorista at pasahero ngayong panahon ng Undas.

Pinamo-monitor ni Tugade ang lahat ng transport terminals, booths, at mga counters bago ang oras ng biyahe upang matiyak maayos at ligtas ang mga pasahero.

Aniya, ang mga concerned offices at agencies ay kailangan na direktang makipagugnayan sa mga kinauukulan kapag may nangyaring hindi inaasahang aksidente at panatilihing operational ang lahat ng hotlines and feedback mechanisms.


Mahalaga rin aniya ang pagiisyung advisories sa publiko tulad ng safety tips, iba’t ibang paglabag sa mga expressway at mga regulasyon sa kaligtasan at seguridad sa mga paliparan, pantalan at iba pang transportation terminals.

Obligado rin ang mga attached agencies na ito at iba pang ahensiya na magsumite ng post-undas report para sa kaukulang ebalwasyon.

Facebook Comments