Office of the Presidential Spokesman, tahimik sa issue ng pag-upo ni Roque bilang bagong tagapagsalita ng Pangulo

Manila, Philippines – Tahimik ngayon ang Office of the Presidential Spokesman kaugnay sa anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na papalitan na niya si Presidential Spokesman Ernesto Abella at itatalaga si Kabayan representative Harry Roque.

Ang anunsiyo ng Pangulo ay nangyari sa birthday celebration ni Roque kagabi sa Davao City.

Ayon sa tanggapan niAbella, wala pang inaasahang anunsiyo ngayong araw, hindi pa rin sila magalabas ng ano mang statement kaugnay sa ano mang issue at wala ding interview kay Abella ngayong araw.


Pero sinabi din naman ng tanggapan ni Abella na mag-aanunsiyo sila agad kung mayroong lalabas na balita o impormasyon.

Matatandaan na kahapon ay hindi na dumalo si Abella sa Mindanao Hour sa Malacañang at hindi na rin anila ito kasama sa biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan.

Facebook Comments