MANILA – Ilalabas na sa susunod na linggo ng Department of Labor and Employment ang department order 30 na maghihigpit sa implementasyon ng batas sa kontratwalisasyon sa bansa.Ayon kay labor Sec. Silvestre Bello, inaasahang ilalabas ito sa December 28 kung saan pinangalanan ang kautusang ito bilang “do 30” bilang pagkilala kay Pangulong Rodrigo Duterte na hayag ang pagkontra sa contractualizationAniya, ipinanukala ni labor USEC. Joel Maglunsod ang pangalang ito.Batay sa department order, hahalili ang DO 30 sa DO 18-a o ang mga sa pagpapatupad ng articles 106-109 ng labor code.Nabatid na ilang probisyon ng DO 18-a ay sobra sa kung ano ang pinapayagan ng batas kung saan isa na rito ang pag-regulate ng kontraktwalisasyon na hindi alinsunod sa mga probisyon ng labor code.Sa ilalim ng umiiral na labor code, maari lamang magkaroon ng contractual arrangements ang mga kumpanya para sa mga posisyon na seasonal o project-basis at kung ang empleyado ay hindi bahagi ng core function ng operasyon ng kumpanya.
Department Order Na Maghihigpit Sa Batas Sa Kontraktwalisasyon – Ilalabas Na Ng Dept. Of Labor And Employment
Facebook Comments