Department store na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na insecticide, sinalakay ng mga otoridad sa Maynila

Manila, Philippines – Sinalakay ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) at CIDG ang isang department store na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na insecticide sa Tayuman, Maynila.

Ayon kay Ret. Gen. Allen Bantolo, Officer-In-Charge ng Regulatory Enforcement Unit ng FDA, kabilang sa kanilang na-recover ang 106 lata ng ‘Butiki’, 107 na lata ng ‘Read a Dream’ insecticide, at 421 na kahon ng katol na ‘Baoma’, na aabot sa P400,000 ang halaga.

Aniya, hindi rehistro ang mga ibinebentang insecticide na maaring maging mapanganib sa kalusugan dahil hindi dumaan sa tamang proseso ng pagsusuri.


Tiniyak rin Bantolo, na inalaam na nila kung paano naipasok sa bansa ang nasabing mga produktong gayung kasama ito sa ban items ng FDA.

Kakasuhan ang may-ari ng Novo Department Store at ang kahera ng tindahan na si Mary Grace Abucal ng kasong pagbebenta ng unregistered health products.

Facebook Comments