Nakatakda mamayang alas-12:30 ng tanghali ang departure ceremony para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay kaugnay sa kanyang pag-alis mamaya para sa kanyang partisipasyon sa 42nd Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit at related summits na gagawin sa Labuan Bajo Indonesia.
Sa gagawing biannual meeting ng mga heads of state ng ASEAN, ipupursige ng pangulo na mapag-usapan ang food at energy security, climate resilience at proteksyon ng mga migrant worker.
Posible rin na matalakay sa gagawing summit ang mga effort ng ASEAN para sa economic recovery, paglaban sa transnational crimes, pagpapaganda ng technical at vocational education at training and transition patungo sa renewable at alternative energy technologies.
Facebook Comments