DFA: Higit sa 20 Pinoy sa Sudan, uuwi ng Pilipinas

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ang nasa 23 pang Pilipino mula sa Sudan ayon sa Philippine Embassy sa Egypt.

Ang 13 dito ay pabalik na sa bansa mula sa Egypt habang nasa 10 iba pa ang may scheduled flight pabalik ng Maynila.

Samantala, kasalukuyang inaayos ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Egypt ang pagbabalik ng 130 Filipino evacuees na nananatili sa Egypt.


Matatandaan na sumiklab ang labanan sa Sudan kasunod ng power struggle sa pagitan ng Sudanese army at paramilitary forces noong Abril 15.

Ayon sa United Nations, mahigit 512 katao na ang nasawi habang nasa 4,200 naman ang nasugatan dahil sa nagpapatuloy na labanan sa naturang bansa.

Facebook Comments