Nagpahayag si DepEd Region 5 Director Gilbert Sadsad sa kanyang mga kasamahan sa departamento simula sa mga teachers, school heads, schools division superintendents, ASDS at iba pang school officials kaugnay ng kumakalat na modus gamit ang kanyang pangalan sa paghingi ng cellphone load na nagkakahalaga ng 2,500 pesos.
Kinumpirma ni Sadsad sa kanyang fb post na mayroon nga talagang panlolokong ginagawa gamit ang kanyang pangalan para makakuha ng cellphone load.
Isa sa mga nakatanggap ng tawag ay si SDS Romy Alip na kaagad namang ipinagbigay alam kay Director Sadsad na umanoy may tumawag sa kanya galing sa Region 3 na humihingi ng cellphone load gamit ang pangalan ng nabanggit na director.
Ayon pa kay Sadsad, may kaparehong pangyayari rin na nakaabot sa kanyang kaalaman nitong nakaraang linggo.
Sinabi pa ni Sadsad na posibleng ang mga interviews niya sa radio at telebisyon kaugnay ng pangyayari sa Bicol Central Academy ang sanhi ng pagkalat ng kanyang pangalan bilang regional director ng DepEd Bicol kung kayat may nagpa-andar isip na gamitin ito sa nasabing modus.
Binigyang diin ni Sadsad na huwag na huwag maniwala na siya ay humihingi ng cellphone load mula sa kanyang mga kasamahan sa departamento.
Nilinaw pa ni Sadsad na kung may hinihingi man siya mula sa mga kawani ng DepEd na kanyang nasasakupan, ito ay ang “teaching load” at hindi kailanman cellphone load.
Nauna rito, sa Camarines Sur, kumalat din ang balita tungkol sa mga empleyado at guro ng DEpEd Bicol na hinihingian ng pera at kung hindi magbigay, may masamang mangyayari sa kanilang kapamilya. Ilang mga school heads sa probinsiya ang umanoy nakatanggap ng tawag dala ang nasabing pananakot.
Kaagad namang nai-report sa NBI ang nasabing modus dahilan upang maagapan ang pambibiktima ng mga nasa likod ng paandar-isip ng mga taong sangkot dito.
DepEd 5 Officials, Teachers, etc Pinag-iingat Laban sa Modus: Panghihingi ng Cellphone Load Gamit ang Name ni DepEd 5 RD Gilbert Sadsad
Facebook Comments