DepEd, all set na sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa Lunes

All set na ang Department of Education sa pagbubukas na klase sa pampublikong paaralan sa Lunes, October 5, 2020.

Dahil sa pandemya, distance learning ang ipapatupad ng DepEd ngayong School Year 2020-2021 kung saan ihahatid ang mga aralin sa mga estudyanteng nasa bahay sa pamamagitan ng mga printed at digital module, at online classes habang magpapalabas din ng mga educational program sa telebisyon at radyo.

Sa interview ng RMN Manila kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, magkakaroon ng virtual national flag raising ceremony sa umaga na sabayang ie-ere sa mga radio at TV stations na ka-partners ng DepEd sa pagpapatupad ng distance learning.


Sinabi ni Malaluan na mahigpit na ipapatupad ang 50 percent work force para sa mga school staff habang hindi naman kinakailangang magreport sa mga paaralan ang mga guro.

Sa ngayon ay halos 100 porsenyo na ng modules ang naipamahagi ng DepEd sa mga mag-aaral, habang handa na mga online materials na gagamitin sa first quarter.

Kasado na rin ang mga video lesson at episodes para sa radio at TV-based instruction.

Nabatid na kritikal ang unang dalawang linggo ng pasukan dahil dito makikita ang ilang problema sa pagpapatupad ng distance learning, kaya mahigpit itong tututukan ng DepEd.

Facebook Comments