DepEd, aminadong maraming dapat ikonsidera kung ibabalik sa pre-pandemic ang school calendar

Aminado ang Department of Education (DepEd) na kailangan ng “slow-transition” para maibalik sa pre-pandemic ang school calendar.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, marami silang kailangang ikonsidera kung ibabalik tuwing Hunyo ang pagsisimula ng klase at tuwing Abril o Mayo ang bakasyon.

Aniya, kailangan nilang ikonsidera ang mga lugar na maapektuhan nito gayundin ang bilang ng may pasok.


Giit ni Poa, hindi kasi masusunod ang 203 school days kung biglang magpapatupad ng summer break.

Nauna nang nagsagawa ng survey ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) kung saan lumabas na 87 porsyento ng mga guro ang nagsabing hindi maka-focus sa klase ang mga mag-aaral dahil sa sobrang init.

Facebook Comments