May-ari ng nasunog na passenger ferry sa Basilan, nag-sorry sa mga biktima

Humingi ng paumanhin ang may-ari ng MV Lady Mary Joy 3 na nasunog at ikinamatay ng 31 katao sa karagatan ng Baluk-Baluk Island sa Basilan.

Ayon sa Aleson Shippine Lines, nakikiramaya sila mga pamilya ng mga biktima.

Tiniyak din nito ang pagbibigay ng tulong sa mga nasawi at nasugatan sa insidente.


Patuloy rin aniya ang kanilang pakikipagtulungan sa mga otoridad na nagsagawa na ng imbestigasyon sa nangyaring sunog.

Matatandaang pasado alas-8:00 Miyerkules ng gabi nang umalis sa Zamboanga Port ang barko at papunta sanang Jolo, Sulu nang nangyari ang sunog.

Facebook Comments