DepEd at COCOPEA, tutol sa pagkakaroon ng academic freeze sa gitna ng COVID-19 pandemic

Tinututulan ng Department of Education (DepEd) at Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) ang academic freeze sa School Year 2020-2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Education Undersecretary for Legislative Affairs, External Partnerships and Project Management Service Tonisito Umali, mahigit 24 milyong estudyante na ang nakapag-enroll ngayong pasukan na nakatakdang magbukas sa Oktubre 5, 2020.

Aniya, kasalukuyan ng gumagawa ng paraan ang ahensya para sa blended learning.


Giit naman ni COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada, ang academic freeze ay magreresulta lang sa kawalan ng kaalaman ng mga estudyante.

Halos isang buong taon na aniya ang nawala sa pag-aaral ng mga estudyante kaya kailangang nilang maghabol at hindi solusyon dito ang pagkakaroon ng academic freeze.

Una nang iniurong ng DepEd ang pasukan ngayong taon mula Agosto 24 sa Oktubre 5.

Facebook Comments