Tatlong dagdag na bus stops sa EDSA Busway, binuksan ng DOTr

Binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong dagdag na bus stop sa EDSA Busway.

Ayon sa DOTr, kabilang sa bagong median bus stops ang sa North Avenue, Quezon Avenue, at Nepa Q-Mart.

Sa kabuuan, magkakaroon ng 29 na bus stops sa EDSA kung saan 15 dito ay kumpleto na.


Ang EDSA Busway ay isang dedicated lane sa gitnang bahagi ng EDSA.

Pinaalalahanan naman ng DOTr ang mga motorista na tanging mga bus at emergency vehicles lamang ang maaaring dumaan sa EDSA Busway.

Facebook Comments