DepEd Bicol: Maghanda na sa random drug test

Bicol Region – Handa na dapat ang bawat kawani ng Department of Education at maging mga estudyante sa Bicol region para sa random testing ngayong buwan.

Ito ang naging pahayag ni *DepEd* Assistant Regional Director Bettina Aquino sa panayam ng RMN Legazpi.

Aniya, dapat lamang tumalima sa direktiba ni *DepEd* Secretary Leonor Briones ang mga kawani pati na rin ang mga estudyante.


Matatandaang noong mga nakalipas na taon ay marami na rin ang na-tokhang at napasama sa oplan galugad sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments