DepEd, binawi ang kautusang sr high school lamang ang may graduation ceremony

Manila, Philippines – Binawi ng Department of Education (DepEd) ang una nitong utos na ang mga magtatapos lang sa senior high school ang may graduation ceremony.

Sa DepEd Order 002 Series of 2019, mga magtatapos ng grade 12 ng senior high school ang may graduation ngayong taon.

Ang kindergarten, grade 6 at grade 10 naman magkakaroon lamang ng completion o moving up ceremony at tatanggap ng katunayan o certificate.


Pero sa bagong DepEd memo, magmamartsa na ulit ang mga grade 6 na estudyante.

Paliwanag ng DepEd, nagkaroon lamang ng kalituhan ng ipalabas ang DepEd order 002.

Facebook Comments