DepEd, bukas sa pagkakaroon ng mas maikling timeline para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes

Ikinokonsidera ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon ng mas maikling timeline para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, tinitignan ng kagawaran ang mas maikling timeline pero nagiging maingat sila rito.

Aniya, inatasan na nila ang kanilang technical team para magsagawa ng review.


“We are considering it. In fact, after the Senate committee meeting ay nagpulong din kami noong technical team with the Department of Education just to review again. And so, we are considering that suggestion from our counterparts in the legislative department.” ani Malaluan

Iginiit pa ni Malaluan, nagiging maingat din sila sa pagpapalawig ng masasakop ng face-to-face classes dahil very critical ito.

Batay sa DepEd timeline, palalawigin ang limited face-to-face classes sa March 2022 na ang magiging basehan ay ang pilot implementation nito.

Facebook Comments