Nagpatupad na ang Department of Education-Calabarzon ng “Academic health break” dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa pinirmahang Regional Memorandum No. 32, Series of 2022, dalawang linggong suspendido ang pasok sa lahat ng paaralan sa rehiyon mula sa January 17 hanggang January 29.
Sakop nito ang physical at virtual classes sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan habang diskresyon naman kung magpapatupad sa pribadong paaralan.
Bukod dito, nilinaw din ng DepEd-Calabarzon na mananatili ang midyear break mula January 31 hanggang February 5.
Kaugnay nito, .suportado ng ACT Teachers Partylist ang implementasyon ng “health break” sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.
Sa interview ng rmn manila, ikinatuwa ni act teachers partylist rep. France castro ang naging hakbang ng DepEd at Local Government Unit lalo na’t maraming mga guro at estudyante na ang nagkakasakit.
Samantala, umabot naman sa 126 na kolehiyo at unibersidad sa bansa ang nagdeklara na rin ng academic health break.