Pinoy na kasintahan ng OFW sa Hong Kong na namatay sa bugbog nito, naaresto na

1101

Nasa kustodiya na ng Correctional Services Department (CSD) ng Hong Kong government ang Pilipinong nakapatay sa kasintahang kapwa Filipina domestic worker.

Ang Pinay na si Ivy Quialang, 37 taong gulang, ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang boarding house sa Hong Kong.

Lumabas sa pagsusuri sa kanya na brain hemorrhage ang ikinamatay nito.


Nabatid na narinig pa ng mga kapitbahay ng biktima ang pagtatalo ng dalawa at komosyon sa loob ng boarding house kaya tumawag sila sa pulis at doon nga natuklasan na wala nang buhay ang Pinay OFW.

Sinimulan na rin ang paglilitis sa korte sa Hong Kong laban sa suspek na Pinoy na si Bernie Valencia, 42 taong gulang.

Facebook Comments