Cauayan City, Isabela – Nanindigan ang DepEd Cauayan City na isolated case ang pagkakasangkot sa iligal na droga at pagkakahuli ng isa nilang Head Teacher.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Dr. Fred Gumaru, Schools Division Superintendent, tuloy ang mga aktibidad ng DepEd Cauayan City. Wala umanong naikompromisong mga gawain partikular sa Disimuray Elementary School na kung saan naka assign ang naarestong Head Teacher na si Mark Dominic Antonio.
Dagdag pa ni Dr. Gumaru na personal siyang bumibisita sa Brgy Disimuray, Cauayan para alamin ang kalagayan ng mga guro at estudyante. Siniguro pa ng Division Superintendent na sa kabila ng pagkakasangkot ni Antonio sa iligal na droga ay nanatiling nasa high morale ang mga guro.
Matatandaan na nahuli sa isang drug buy bust operation ang head teacher ng Disimuray Elem. School na si Antonio dahil sa bintang na pagtutulak ng ipinagbabawal ng gamot.
Muling nilinaw ng DepEd Cauayan na hindi nila kukunsintihin ang kasong kinasasangkutan ni Antonio. Sa ngayon ay nasa DepEd Regional Office na ang naturang kaso at nakahanda silang magsampa ng kasong administratibo laban kay Antonio.