Matinding komprontasyon ng pulis at sinitang lalaki, na-hulicam

2488
Screenshot captured from Mi Lyn's video on Facebook.

Usap-usapan ngayon sa social media ang bidyo ng alitan ng isang pulis at sinitang lalaki na nangyari sa labas ng isang tindahan nitong linggo.

Sa kuhang bidyo ni Facebook user Mi Lyn, maririnig na tinatanong ng kinauukulan ang lalaki kung anong nagawa nito at bakit siya kailangan murahin.


Ilang sandali pa, makikitang kinompronta ng agresibong pulis ang lalaking naka-sumbrero at hinatak na ang likod ng t-shirt ng indibidwal.

Maya-maya pa, maririnig nang sinasabi ng sibilyan na “bibili lang ako sir ng gamot ng anak ko.”

Pero hinabol pa din ng pulis ang sibilyan at paulit-ulit niyang binanggit na pinagsalitaan siya nito ng masama.

Giit ng lalaking nakasuot ng sumbrero, “harassing ‘yan ginagawa niyo sa’kin”.

Dito na sumingit ang isang pulis at sinabing sumama na lamang ang indibidwal para maayos ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Sa ngayon, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasa viral video.

Hindi pa din malinaw kung kailan at saan naganap ang gulo sa pagitan ng pulis at sibilyang naka-sumbrero.

Facebook Comments

From Advertisers