Iginiit ng Gabriela Women’s Party sa Department of Education (DepEd) na maging transparent ukol sa kahandaan ng mga paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ayon kay Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, sa Lunes na magsisimula ang pasukan pero kulang pa rin ang mga classroom at limitado ang mga pasilidad sa mga paaralan.
Tinukoy ni Brosas ang data mula sa National School Building Inventory, na ang mga pampublikong paaralan sa buong bansa ay kapos ng tinatayang 400,000 silid-aralan kung itatakda sa 20 ang mga estudyante sa kada klase.
Dismayado si Castro na sa halip magpatayo ng mga paaralan ay mas inuna pang paglaanan ng pondo ang mga farm-to-market road na walang patutunguhan at sa mahabang panahon ay naging ugat umano ng katiwalian.
Diin ni Castro, Kailangang siguraduhin ng DepEd na handa ito sa pagbubukas ng klase lalo’t long overdue na ito at kailangan ng bumalik ng mga mag-aaral sa paaralan.