Dismayado ang department of education sa mga naging pahayag ng alliance of concermed teachers hinggil sa isyu na pinagbabawalan daw umano ng kagawaran na kunin bilang board of elections inspectors ang kanilang miyembro.
Sa statement ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan, walang inilalabas na kautusan ang kanilang departamento para pagbawalan ang mga miyembro ng act na maging bei partikular sa Laguna, Central Luzon at Eastern Samar.
Nilinaw din ni Nepomuceno na nasa Commission on Elections na kung papayag sila na maging election inspector ang mga guro na kasama sa grupong act.
Unang itinanggi ng Act na hindi sa kanila galing ang isyu at ang Allegiance of Concerned Teachers daw ito nanggaling. Hindi naman nagustuhan ng DepEd ang mga pahayag nito na sinisiraan lang daw sila.
Ayon sa DepEd, dapat daw na ang grupong act ang siyang umayos sa nasabing isyu at hindi na nagsalita pa.
Bukod dito, dapat din linawin ng grupo kung sino at ilan ang miyembro nito na kasama sa act teachers partylist dahil nakasaad daw sa batas na bawal silang magsilbi sa darating na 2019 midterm elections.