Handang-handa na ang Department Of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase bukas, Oktubre 5 sa buong bansa.
Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, sinisiguro nila na pinaghahadaan na ang mga contigencies o ang anumang posibleng maging problema.
Patuloy rin aniya silang makikipag-ugnayan sa central office upang handang gabayan at suportahan ang sino man sa kanilang tauhan ang may katanungan o magkaroon ng problema.
Nabatid na nitong ikatlong linggo ng Setyembre, halos 533,209,023 o katumbas ng 80% na ang naipamigay na self-learning modules sa mga estudyante ng pampublikong paaralan.
Habang nasa 24.6 million estudyante naman ang naka-enroll ngayon sa pribado at pampublikong paaralan at sa alternative learning system para sa taong 2020-2021.