DepEd, handang handa na para sa pagbubukas ng klase sa buong bansa sa Lunes (June 5)

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na isang daang porsyento ng nakahanda ang Kagawaran sa pagbubukas ng klase sa buong bansa sa Lunes, Hunyo a-5.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, nakahanda na ang lahat ng mga eskwelahan, upuan, libro at maging mga guro para sa muling pagbabalik ng tinatayang pitong milyong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Paliwanag ni Briones, nakumpuni na ng DepEd sa pamamagitan ng Brigada Eskwela ang mga sirang upuan, blackboard at mga Laboratories ng mga estudyante.


Tapos na rin anya ang mga Seminar Workshop ng mga guro para sa karagdagang kaalaman ng mga ito sa panibagong estratehiya ng pagtuturo.

Kahit simula na ng pasukan sa Lunes, nakahanda pa rin ang DepEd na tumanggap ng mga late enrollees at ito ay magtatagal ng hanggang Hunyo 16.

Muling nagpa-alala si Briones na libre ang edukasyon sa mga public school at kung may sisingilin man sa mga magulang dapat ay boluntaryo lamang.
DZXL558

Facebook Comments