Labi ng sundalong nabaril, patay sa Marawi City – dumating na sa Dumaguete

Dumaguete, Philippines – Miyembro ng Philippine Army na napatay ng snipper sa Marawi City kahapon na si Lt. Maclin Abuyabor, 28 anyos; dumating na ang labi nito dito sa Dumaguete City Airport ngayong sakay ng NOMAD.

Sa Interview ng DYWC RMN kay PO1 Abuyabor, kapatid ng nasawi, napaiyak ito at sinabi na halos hindi nila matanggap ang pagkamatay ng kaanak na militar.

Sinabi nito na natamaan ng dalawang beses ang katawan ng kapatid niyang sundalo sa pagbaril ng snipper na Maute.


Hihingi ngayon ng tulong ang kamag-anak ng biktima sa pamahalaan at sa Pangulong Duterte.

Magbibigay rin ng tulong ang pamahalaan sa lungsod ng Bais kung saan taga-rito ang nasawing sundalo.
DZXL558


Facebook Comments