DepEd, hihilingin ang tulong ng NBI at PNP sa natuklasang ghost students ng ilang private schools sa ilalim ng Senior High School Voucher Program

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Education o DepEd sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Philippine National Police (PNP) kaugnay ng imbestigasyon sa nabunyag na ghost students ng private schools sa ilalim ng Senior High School Voucher Program.

Sa tanong naman kung saang level ang aabot imbestigasyon ng DepEd, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na nakadepende ito sa mga makakalap nilang mga karagdagang ebidensya.

Una nang nagbabala ang DepEd na aalisan ang naturang mga eskwelahan ng accreditation sa Senior High School Voucher Program.

Nais din nila patawan ng administrative at criminal sanctions ang mga eskwelahan.

Sa kabila nito, tiniyak ng DepEd na bibigyan nila ng kaukulang assistance ang mga estudyanteng maapektuhan ng pagtanggal ng accreditation para matiyak na magpapatuloy ang pag-aaral ng mga ito.

Ayon naman sa DepEd insider, natuklasan na rin ni Vice President at dating Education Sec. Sara Duterte ang naturang iregularidad ng ilang private schools bago pa man ito nagbitiw sa DepEd.

Facebook Comments