DepEd, uunahin ang mga eskwelahan na may kuryente sa pamamahagi ng laptops

Magiging prayoridad ng Department of Education o DepEd sa pamamahagi ng laptops ang mga eskwelahan na may kuryente.

Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, ito ay bagamat target nilang bigyan ng laptop ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sinabi ni Angara na 1,500 na eskwelahan sa bansa ang walang koneksyon ng kuryente kaya dumulog na sila sa National Electrification Administration.


Una nang inanunsyo ng DepEd na sinimulan na nila ang pamamahagi ng 62,000 laptops at smart TVs sa mga paaralan sa kabila ng 10-billion budget cut sa DepEd.

Ang naturang mga laptop at smart TV ay nagkakahalaga ng ₱1.8 billion.

Inaasahang makukumpleto ang pamamahagi nito sa mga eskwelahan sa labing-anim na rehiyon sa bansa ikalawang bahagi ng taon.

Kabilang sa mga rehiyon na makakatanggap ng mataas na alokasyon ng ICT equipments ang Region IV-A (CALABARZON), Region VI (Western Visayas) at Region VIII (Eastern Visayas).

Partikular na gagamit ng laptops ang libu-libong mga guro at non-teaching personnel ng DepEd.

Facebook Comments