
Upang tugunan ang kakulangan ng silid-aralan sa buong bansa, hinimok ni Education Secretary Sonny Angara ang mga negosyante na makiisa sa pamahalaan sa pagresolba nito.
Sa isang forum, sinabi ng kalihim na kanilang papalakasin ang public-private partnerships (PPP) para mapabilis ang konstruksyon ng mga paaralan.
Sa ilalim ng partnership, target na matapos ang mga silid-aralan sa loob ng isa hanggang dalawang taon mula sa dating inaabot pa ng ilang taon.
Una nang inaprubahan ang 16,000 na classrooms sa ilalim ng programa at maari pang umabot ang bilang nito sa mahigit isang daang libo sa mga susunod na taon.
Kaugnay nito, itinutulak din ng Department of Education (DepEd) ang digital upgrade ng mga eskwelahan sa tulong ng Public Achools Internet Program Connect katuwang ang Khan Academy.
Para kay Angara, mahalaga ang ambag ng pribadong sektor upang mapabilis ang solusyon pagdating sa krisis sa edukasyon.










