DepEd, hindi matiyak ang 100% quality education sa new normal ng education system sa bansa

Iginiit ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na hindi pa matiyak sa ngayon ang 100% quality education sa bansa habang ipatutupad ang bagong pamamaraan ng pagtuturo sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Briones, ang matitiyak lamang niya ang 100% effort upang maipatupad ang makabaging learning strategy ng DepEd sa buong bansa.

Pahayag pa niya na habang umiiral ang banta ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa bansa, ang tanging pangunahing layunin ng kagawaran ay ang kaligtasan pa rin ng mga mag aaral at mga guro.


Pero anya kailangan ipagpatuloy ang pag-aaral at pagbigay kaalaman sa mga bata sa kabila ng banta ng COVID-19.

Sa pagbubukas ng school year 2020-2021 sa August 24, 2020 muling iginiit ng Kalihim na ang tagumapay ng pag-aaral ng isang bata ay isang ng shared efforts ng mga magulang o pamilya, guro at komunidad.

Facebook Comments