Lumabas sa napapatuloy na pagdinig ngayon ng Senado na hindi pa handa ang Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa Agosto.
Base sa pagdinig na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian, 40% pa lang o 337,000 sa 800,000 mga guro ang naisasailalim sa training para sa distance learning.
Tiniyak naman ng DepEd na pagsapit ng July ay magkakaroon ng malawakang training sa mga guro na pangungunahan ng National Educators Academy of the Philippines.
Pati ang modules ay hindi pa rin naiimprinta pero kaya itong tapusin bago magbukas ang klase sa August 24, 2020.
Sa hearing ay inamin din ng DepEd na hindi pa naisasagawa ang mapping o pagtukoy sa mga lugar kung saan pwedeng magsagawa ng online classes at mga lugar na sa modular teaching lang uubra.
Inamin din ng DepEd na sa ngayon ay wala pang pondo para mabilhan ng kailangang gadgets ang mga guro.