DepEd, hindi pa tiyak kung may face-to-face classes na sa susunod na pasukan

Muling iginiit ng Department of Education o DepEd na hindi pa tiyak kung magpapatupad na ba ng face-to-face learning sa susunod na school year.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, hanggang ngayon ay inaayos pa nila ang kanilang proposal sa pagbabalik ng face-to-face learning na kanilang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Cabinet level.

Sinabi rin ni Sevilla na patuloy na pinag-aaralan ng DepEd ang magiging takbo ng face-to-face learning sa bansa kung sakaling payagan na ito ng pangulo.


Giit niya na hindi magbabalik sa face-to-face educational learning delivery system ang pampublikong paaralan ng bansa kung hindi ito papayagan ng IATF, protocol ng Department of Health o DOH, at ng Presidente.

Sa ngayon aniya, tuloy-tuloy pa rin ang blended delivery approach, kung saan kabilang dito ang self-learning modules, online, DepEd tv, DepEd radio, at iba pang learning delivery modes para sa school year 2021-2022.

Facebook Comments