DepEd, hinikayat ang mga aspiring athlete ng bansa na mag-apply sa NAS

Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga aspirant na athleta ng bansa na mag-apply sa National Academy of Sports (NAS).

Ito’y matapos makasungkit ng unang ginto ang Pilipinas sa Tokyo Olympics 2020.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, maaaring mag-apply ng Student-Scholarship sa NAS ang mga batang atleta, upang habang ito’y nag-aaral, matutulungan ang mga batang manlalaro na hubugin ang kaniyang kagalingan sa piniling sports.


Aniya, ang NAS ay hindi lang nakapokus sa sports, kundi gagabayan sila nito sa kanilang pag-aaral upang mapabuti ang kanilang academic performance.

Nagpaabot naman ng pagbati at saludo ang pamunuan ng DepEd sa mga atletang pinoy na nag-uwi ng medalya at karangalan sa bansa sa Tokyo 2020 Olympic.

Facebook Comments