Hinimok ngayon ng Department of Education (DepEd) ang publiko na agad makipag-ugnayan sa Public Assistance Action Center kung mayroon silang nalalaman tungkol sa kumakalat na module para sa Grade 12 students na pinipigilan ang mga estudyante na makiisa sa mga isinasagawang rally.
Ayon sa Department of Education, hindi bahagi ng anumang parte ng curriculum ng kagawaran ang module.
Paliwanag ng DepEd, bilang isang institusyon, kaisa ang DepEd sa pagpapatibay ng ating Saligang Batas at naniniwala sa prinsipyo ng press freedom.
Dagdag pa ng kagawaran na hindi pumasa sa pagsasala at pag-aanalisa ng curriculum and instruction strand ng central office ang module.
Naniniwala ang DepEd na malaking papel ang ginagampanan ng publiko na mag-ulat at sumangguni sa Public Assistance Action Center kung mayroon silang nalalaman para sa ikabibilis nang isinasagawa nilang imbestigasyon.