DepEd, hinimok ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng internet

Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang na ituro sa kanilang mga anak ang paggamit ng internet bilang “learning environment” at hindi bilang sagabal sa kanilang pag-aaral.

Ito ang sinabi ni DepEd Spokesperson Usec. Annalyn Sevilla kasunod ng mga pahayag na ang paggamit ng gadget ang dahilan ng pangungulelat ng bansa sa Programme for International Student Assessment (PISA) pagdating sa reading comprehension.

Aniya, maski ang mga guro, ginagamit din naman ang internet sa pagtuturo gaya ng panunuod sa mga estudyante ng mga educational video sa YouTube.


Hindi rin aniya maiiwasana ng paglawak ng teknolohiya kaya mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral kung paano nila ito gagamitin sa tama.

Samantala, bukod sa paggamit ng gadget, isa rin sa nakikitang dahilan ng paghina ng reading coprehension ng mga mag-aaral ang kakulangan ng mga guro.

Sa 47,000 mga paaralan sa buong bansa, aabot sa 27 milyon ang mga estudyante habang nasa halos isang milyon lang ang mga guro.

Isa pa sa ikinokonsidera ng DepEd ay ang kahirapan.

Facebook Comments