Pinapupurihan ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng mga LGUs at stakeholders sa kanilang pakikipagtulungan ng programa ng kagawaran na ‘Oplan Kalusugan’ upang i-promote at mabigyan ang mga Pilipinong mag-aaral ng tinatawag na “sustainable holistic school health” at nutrition programs tungo sa magandang kaugalian at mahusay na pag-aaral.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, nagpahayag ang kalihim ng pasasalamat sa lahat ng mga Local Government Units at stakeholders mula sa non-government, business at civil society organizations sa kanilang hindi matatawarang suporta sa iba’t-ibang programa at reporma ng kagawaran upang mahubog ng husto ang kamalayan ng 27 milyong mag-aaral na hinubog ng 800,000 teachers sa buong bansa para magkaroon ng isang kalidad na edukasyon.
Nakatuon ang kagawaran sa school-based feeding program, national drug education program, adolescent reproductive health education, water, sanitation at hygiene in schools, medical, dental at nursing services at ang school mental health program.
Sa panig naman ni Undersecretary for Administration Alain Del Pascua iginiit nito na hindi magtatagumpay ang lahat ng kanilang mga programa kung walang suporta mula sa Department of Health (DOH), LGU at ang iba’t-ibang organizations.