Iginiit ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na hindi pa rin sila tatanggap ng mga donasyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at sa mga kumpanya ng alak at sigarilyo kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, ang punto nito ay upang tiyakin na hindi maaapektuhan ang polisiya na inilatag ni DepEd Secretary Leonor Briones ngayong panahon ng pandemya lalong-lalo na wala naman face-to-face learning na magaganap para sa School Year 2020-2021.
Binigyan diin pa nito na hindi rin tatanggap ang DepEd ng anumang donasyon mula sa kumpanya ng alak at sigarilyo kahit sa panahon man ng pandemya o hindi.
Matatandaan, ang mga Local Government Unit (LGU) ng bansa ay may kanya-kanyang programa tulad ng pagbibigay ng mga gadget at laptop para sa distance learning na ipatutupad ngayong pasukan.
Noong 2016, may direktiba ang kalihim ng DepEd na huwang nang tumanggap ng kahit anong donasyon mula sa PAGCOR at mga kompanya ng alak at sigarilyo.