DepEd, ikinalulugod ang patuloy na pagtaas ng bilang ng enrollees para sa school year 2021-2022

Pumalo na sa 21.9 milyon ang bilang ng mga estudyante naka-enroll para sa school year 2021-2022.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan, katumbas ito ng 83.6% ng 26 million enrollees noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang, 15.3 million dito ang nakapagpatala sa public school habang 1.1 million naman sa private school.


Habang aabot sa higit 23,000 ang naka-enroll sa state and local universities and colleges na may basic education program at 4.5 million ay mula sa early registration na isinagawa noong Marso.

Sa ngayon, ang Pilipinas na lamang sa mga bansa sa Asya ang hindi pa nagpapatupad ng face-to-face classes.

Facebook Comments