Rain or Shine, tinalo ang Magnolia Hotshots sa kanilang paghaharap sa Philippine Cup

Tinalo ng Rain or Shine Elasto Painters ang Magnolia Hotshots sa score na 75-72 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.

Pinangunahan ng small forward na si Javee Mocon ang Elasto Painters na mayroong 19 points at ni James Yap na nakakuha ng 14 points.

Ginabayan naman ni Ian Sangalang ang Hotshots na may 21 points habang mayroong 21 points na ambag naman si Calvin Abueva.


Samantala, nananatili sa ika-anim na puwesto ang Elasto Painters habang bumaba sa ikatlong puwesto ang Hotshots dahil sa kanilang pagkatalo.

Facebook Comments