DepEd, ilalabas na sa susunod na linggo ang listahan ng mga pribadong paaralan na lalahok sa pilot implementation ng face-to- face classes

Inaasahang sa susunood na linggo mailalabas na ng Department of Education (DepEd) ang pinal na listahan ng mga pribadong paaralan na mapapabilang sa pilot run ng limited face-to-face classes sa COVID low risk areas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Education Asec. Malcolm Garma na sa kasalukuyan, nasa 57 private school na ang nakapag-sumite ng mga dokumento sa kagawaran at sumasailalim pa sa ebalwasyon ng DepEd, katuwang ang Department of Health (DOH).

Sa darating na ika-12 ng Nobyembre, mailalabas na nila ang listahan ng 20 pribadong paaralan na mapapabilang sa limited face-to-face classes.


Matatandaan na una na rin inanunsyo ng DepEd na nakumpleto na nila ang 100 pampublikong paaralan na magiging bahagi ng pilot face-to-face classes.

Ilan sa mga paaralan na ito ay mula sa Region V, Region 13 at Region X.

Facebook Comments