Senator Risa Hontiveros at tauhan nito, sinampahan ng reklamong sedition ng isang empleyado ng Pharmally

Nahaharap ngayon sa reklamong sedition si Senator Risa Hontiveros at kaniyang tauhan na isinampa ng isang empleyado ng Pharmally Pharmaceutical Company na si Jaime Vegas sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa pahayag ni Vegas, sinuhulan umano ni Hontiveros si Veejay Almira para tumestigo laban sa Pharmally tungkol sa umano’y maanomalyang pagbenta ng overpriced pandemic essentials sa pamahalaan.

Aniya, ginamit lamang ng senadora si Almira para makakuha ng simpatya sa pagpapabagsak sa administrayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Pero tinawag lamang ni Hontiveros na ‘laughable’ ang nasabing reklamo at iginiit na ang pagpapanagot sa mga public officials ay hindi paglaban sa gobyerno pero handa raw ang kaniyang kampo na harapin ang nasabing reklamo.

Facebook Comments