DepEd, inatasan ang mga eskwelahan sa Iligan at Cagayan De Oro City na tanggapin ang mga estudyanteng mula Marawi

Marawi City, Philippines – Umapela ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga guro sa Marawi City na makipag-ugnayan sa mga principal sa Iligan at Cagayan De Oro City upang makapagpatuloy sa pag-aaral ang kanilang mga estudyante na tumigil dahil sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at Maute group.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahigit 20 libong mga estudyante ang naapektuhan sa naturang bakbakan.

Paliwanag ng kalihim, karamihan sa mga mag-aaral ay natatakot ng bumalik sa Marawi City at nagkaroon na ng trauma ang mga ito dahil sa nagpapatuloy na giyera sa lugar.


Hinimok ni Briones ang mga principal sa Iligan at Cagayan De Oro City na dapat ay isasailalim sa Psycho-Social Debriefing ang lahat ng mga estudyante na galing sa Marawi City at lilipat sa kanilang mga eskwelahan.
DZXL558

Facebook Comments