Arraignment kay dating Palawan Governor Joel Reyes, ipinagpaliban

Palawan, Philippines – Ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan 2nd division ang pagbasa ng sakdal kay dating Palawan Governor Joel Reyes na nahaharap sa multiple counts ng kasong graft kaugnay sa 1.5 billion pesos Malampaya fund scam.

Ang pagsuspinde sa arraignment ngayong araw ay bunsod ng ipinalabas ng Supreme Court na revised rules na pwede ng i-waive ng respondents ang pagbasa ng case information at maghahain na lamang sila ng kanilang plea sa pagharap nila sa korte.

Muling itinakda sa September 5 ang arraignment ni Reyes at ng iba pang akusado.


Maliban sa provincial officials sabit din sa kaso ang private contractors sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa contract law at falsification of documents.

Nahaharap si Reyes sa 36 counts ng kasong graft dahil sa irregular construction projects noong 2008.
DZXL558

Facebook Comments