Manila, Philippines – Mas itinaas pa ng Department of Education ang kalidad ng kanilang Brigada Eskwela ngayong taon.
Kung dati, ok na ung pagtatanggal ng agiw, pagpipintura ng mga upuan at dingding, ngayon ay target na din ng DepEd na gawing matibay ang paaralan.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito, ito ay bilang paghahanda na rin na mga kalamidad na bigla-bigla nalang umaatake, katulad ng bagyo lindol at iba pa.
Samantala, ikinatuwa ni Asec. Umali ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga volunteer na nagtutulong-tulong para ayusin ang mga classroom.
May 15 ang kick-off ng Brigada Eskwela sa Cebu kasabay ang ibat ibang rehiyon sa bansa at ito ay pangunguna ni DepEd Secretary Leonor Briones.
DZXL558
Facebook Comments