DepEd, itinangging galing sa kanila ang learning module na pinaiiwas ang mga estudyante na sumali sa mga protesta

113

Mariing pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) na galing sa kanila ang learning module kung saan hinihikayat ang mga estudyante na huwag makilahok sa mga mapayapang protesta o rally.

Sa statement, nananatili ang DepEd bilang isang institusyon na nagtataguyod ng Konstitusyon at naniniwala sa prinsipyo ng kalayaan sa pamamahayag.


Ang nasabing module ay hindi inisyu ng kagawaran at hindi pumasa sa conformance review ng Curriculum and Instruction strand ng Central office.

Nagsasagawa na ang ahensya ng tracing para matunton kung saan nagsimula ang sirkulasyon ng materyales.

Bukas sila sa anumang tutulong para mapabilis ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments