DepEd, itinangging sa kanila ang module na ipinost ng Award-Winning Director na si Joey Reyes

Niliwanaw ng Department of Education (DepEd) na hindi nanggaling sa DepEd ang module na ipinost sa Facebook ng Award-Winning Director na si Joey Reyes.

Ayon kay DepEd Public Affairs Service Chief June Arvin Gudoy, base umano sa kanilang initial investigation, ang module ay hindi nilikha o gawa ng DepEd teachers at hindi umano bahagi ng kanilang Official Learning Resources.

Dagdag pa ni Gudoy na sinabihan na niya si Reyes at hindi rin binanggit ni Reyes ang DepEd sa orihinal na post nito.


Nanawagan si Gudoy sa publiko na iulat sa DepEd Error Watch ang mga mali sa module.

Giit pa ni Gudoy na nanggaling ang module mula sa isang high school na ang namamahala ay ibang ahensiya.

Ipinost ni Reyes ang module sa Facebook kung saan kasama mga hugot line at dayalogo mula sa mga sikat na pelikula.

Inilunsad ng DepEd ang Error Watch para i-monitor ang mga reklamo at mga mali sa mga module at video.

Facebook Comments