DepEd, kukuha ng mahigit 100,000 na Licenses at Creative Nation Academy para gabayan ang mga guro at mag-aaral na maiangat ang kanilang digital literacy skills

Inihayag ng pamunuan Department of Education na magbibigay sila ng taunang Adobe Creative Cloud Licenses sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa upang maiangat ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral sa digital literacy skills.

Ayon kay Undersecretary for Administration Undersecretary for Administration Alain Del B. Pascua sa pamamagitan umano ng Information and Communications Technology Service ay nakipag-partner sila sa Adobe para kumuha ng 108,000 na mga lisensiyado at ang Creative Nation Academy upang ibahagi ang kanilang kaalaman at eksperto sa naturang kagamitan.

Paliwanag ni Usec. Pascua, inihahanda rin ng Kagawaran ang mga mag-aaral na makipagsabayan sa ibang bansa sa larangan ng global digital skills standards at upang mabigyan ng malaking oportunidad ang mga ito na agad na makapagtrabaho.


Dagdag pa ng opisyal, iba’t ibang webinars sa iba’t ibang productivity tools at design software ang isasagawa ng DepEd sa pamamagitan ng Digital Rise Program para masiguro na lahat ng pampublikong paaralan ay may sapat na kagamitan at software kung saan layon din nito na maiangat ang pagiging malikhain ng mga guro sa larangan ng digital and multimedia arts.

Facebook Comments