SALN ni Mayor Isko Moreno, handa niyang isapubliko sakaling manalo sa eleksyon 2022

36

Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na handa siyang isapubliko ang kaniyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sakaling palarin na manalo bilang pangulo sa 2022 elections.

Aniya, walang magiging problema kung nais na makita at malaman ang kaniyang SALN lalo na’t bahagi ito ng requirements bilang opisyal ng gobyerno.

Sa katunayan, kaniya nang ipinadala ang kopya ng kaniyang SALN sa Office of the Ombudsman.


Giit ng alkalde, wala naman siyang itinatago at tulad ng kaniyang nasabi sa mga naunang pahayag, on-time at palaging tama ang ibinabayad niyang buwis kasama na dito ang buwis sa excess campaign fund na kaniyang nakuha noong tumakbong senador noong 2016 elections.

Kaugnay nito, hinihimok ni Mayor Isko ang kapwa niya government officials na ipakita rin sa publiko ang kanilang SALN dahil ito ang isinsaad ng batas.

Facebook Comments