DepEd, kumpiyansang matutuloy na ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na matutuloy na sa darating na Oktubre 5 ang pagbubukas ng mga klase sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, naniniwala silang ito na ang magiging final adjustment para sa pagbubukas ng klase matapos na unang maantala kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ng kalihim, dahil sa naging delay ay nagkaroon pa ng panahon ang DepEd na maayos ang mga problema na may kaugnayan sa distance learning kabilang ang pagbibigay ng mga alternative learning delivery modalities.


Sa ngayon, patuloy rin aniya ang ginagawang paghahanda ng ahenisya kabilang ang pagsasagawa ng dry-run simulations para sa blended learning at pamamahagi ng printed learning modules.

Tiniyak din ng DepEd na pinakikinggan nila ang mga hinaing ng bawat paraalan para agad itong maresolba bago pa man ang opisyal na pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Facebook Comments