DepEd, magbibigay ng 100 gigabyte na connectivity load sa mga guro

Magbibigay ang Department of Education (DepEd) ng connectivity load sa mga guro at iba pang staff bilang para tulungan sila ngayong “new normal.”

Ayon kay Education Undersecretary for Administration Alain del Pascua, magtatagal ang connectivity load ng hanggang tatlong buwan o katumbas ng 100 gigabytes.

Sa 1 gigabye aniya ay maaari na silang sumali ng virtual conferences o manood ng YouTube videos sa loob ng walong oras.


Kung hindi naman magagamit ang kabuoan ng 100 gigabytes ay gugulong pa rin ito sa susunod na anim na buwan.

Facebook Comments