Roque, iginiit na hindi siya kailanman nagsinungaling para kay Pangulong Duterte

Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na kailanman ay hindi siya nagsinungaling o magsisinungalin tungkol sa anumang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang TV interview, sinabi ni Roque na ang ibinigay na mandato sa kanya ni Pangulong Duterte ay ihayag ang katotohanan.

Bagamat mahirap maging tagapagsalita ng Pangulo ay hindi niya kailangang magsinungaling tungkol sa mga binibitawang pahayag ng Pangulo.


Aniya, hindi niya kinokontra ang mga sinsabi ni Pangulong Duterte at binibigyan lamang niya ng linaw ang konteksto ng kanyang mga pahayag.

Para gumaan ang kanyang trabaho, itinuturing niya ang kanyang pagiging Presidential Spokesperson bilang isang abogado.

Facebook Comments